Linggo, Oktubre 9, 2011

"Mga Laro Ko"

Nakakamis ang mga panahon nung bata pa ako. Takbo rito, takbo roon. At pag tayo ay nadapa, iyak dito at iyak doon! Ganyan ang buhay nung bata pa ako. May naaalala pa ba kayong mga laro na nilalaro ninyo noon? Alam niyo ba ang larong “Slipper Game”? isa yan sa mga nilalaro ko. Ang mga kalahok sa larong ito ay hinati sa dalawang grupo, sa amin ang paghahati ay dinadaan sa “bato bato pik”. Kailangan kayo maging alesto sa pagsalo ng tsinelas na sinipa ng kalaban niyo, at siyempre hindi nagpapahuli ang teamwork. Isang paktor ang laro sa pagdedebelop ng iyong sarili. Sa paglipas ng panahon maaalala natin ang mga nakaraan na hindi natin nalilimutan, gaya ko, may isang laro kaming hindi ko talaga nalilimutan. Ito ay ang larong “balay balay” o bahay bahayan. Sa larong ito ang bahay naming ay nasa punong kahoy o kaya ito ay “tree house”. Hindi madali sa akin ang pagsali, kaya’t pinilit nila ako. Hindi nila alam na hindi ako marunong umakyat at bumaba sa puno. Biglang nabigla ako sa aking sarili na nakaakyat ako, pero may halong kaba ang pa akyat ko. Heto na ang hinihintay ko, ang pagbaba. Dahan-dahan akong bumaba ngunit nakahinto ako sa gitna nang punuan dahil sa labis na takot at sa pakiramdam ko na madudulas talaga ako kapad tinuloy ko ang pagbaba, talagang mahigpit ang pagkakayakap ko sa punuan, ilang minute ang nakalipas nandun parin ako sa gitna ng punuan, may nakahalata sa akin at napatanong kung bakit nandoon parin ako na samantalang ang mga kaibigan ko ay nasa labas na, sabi sa kaniya sabay takot na hindi ako makababa, kaya kinuha niya ako. Simula noon, ayaw ko nang umakyat sa puno.
 
Marami pa akong mga nilalaro nung bata pa ako, tulad ng “Chinese”. May dalawang uri ang paglaro nito, ito ay ang  “Double” o pwede ring “Single”. Ang nilalaro naming ay ang  “Single” dalawang grupo ang maglalaro nito. Kailangan makatalon o di kaya ay makatawid  ka sa garter na hindi nakalagay ang garter sa gitna ng iyong dalawang paa. Sa larong ito, makikita mo ang isang batang may potensyal na magiging gymnastic, dahil may iba’t ibang paraan ang pagtawid sa garter, pwedeng tumalon, o mag tambling o pwede ka ring mag bridge. Talagang gagawin mo ang lahat para lang makatawid sa garter ng maayos. Kung hindi mo nagawang makatawid, may sasalo sa’yo, hindi salon na catch ngunit ito ay ang salon a “Still”, sa still pwedeng makatawid ang iyong kasama para sa iyo. Pag lahat sa inyo ay hidi nakatawid, iyan ang panahon para ang pangalawang grupo naman ang makapaglaro. At kayo naman ang mag hahawak sa chinese garter. 


May isang pagkakataon na habang naglalaro kami ng  Chinese garter ay tinawag ako ng mama ko para utusan, sabi ko sa kanya na hintay, tinawag na naman ako, sa kakatawag niya sa akin ay binalaan niya ako na papaluin ako pag hindi ako agad pupunta sa kanya, kaya dali dali akong umuwi dahil sa takot na papaluin ako.
Sa ating buhay kailangan natin maging balance sa ating oras at maging masunurin sa ating mga magulang upang hindi tayo mapagalitan at para rin hindi tayo mapalo.

May makukuha talaga tayong mga aral sa ating mga kamalian sa buhay at sana hindi na ito mauulit. Pwede rin tayong makakakuha ng magagandang katangian sa paglalaro. Pangunahing katangian na pwede nating makuha ay ang teamwork, makikita natin dito ang mga kalahok kung gaano talaga magsikap at magkokoopereyt sa bawar laro. Madedevelop rin natin ang pagiging sportsmanship bilang manlalaro.
Sa bawat oras, minute, o Segundo na dumadaan sa ating buhay meron talagang panahon na maaalala natin an gating pagkabata at bigla tayong makatawa sa ating mga memorya.

BY: KRIZZIA PATERNO

"Larong Pinoy"

Ang mga bata ay maraming kinihiligang laro. Ang laro ay nakakapagpasaya sa atin lalo’t na kung mga kaibigan ang ating mga kalaro. Ang laro ay mula pa sa ating mga ninuno. Laro ay isang kasiyahan o libangan. Kinakasangkutan ito ng isa o maraming manlalaro. Matatawag din natin ang laro na isang bahagi ng edukasyon tulad sa agham na MAPEH o kaya naman PE. Sa laro nasusukat kung paano ka mag-isip. Makikita din natin kung paano magpursigi ang manlalaro upang manalo. Nakakatulong din ito sa ating katawan upang magiging malusog at matatag tayo. Sa laro din nakikita kung paano sundin ng manlalaro ang mga mekaniks sa bawat laro. Ang laro ay isang kultura ng mga Pinoy. Minsan sa isang laro may nagsasakitan, nag-aaway, nag-aalitan at gusting manalo. Ang iba naman, kahit natalo na ayaw parin tanggapin. Sa madaling salita ayaw tanggapin ang pagkatalo.

Ito ang mga larong Pinoy na halos laruin ng mga kababataan; patintero, luksong baka, Chinese garter, tumbang preso, bulan-bulan, takingking cross, paun-paon, pusil-pusil, tagudsod, pusil dunggab, habulan, tirabol,  jackstone, Dr. Wakwak, bahay-bahayan, slipper game, text-text, marble, lutu-lutuan, lastiko, taguan, kadang-kadang, luksong tinik, tansan, saranggola at pick-up sticks.

Bata pa ako, marami na akong natutunang mga laro. Palagi nalang ako naglalaro sa bahay o kaya naman sa eskwelahan. Pagkatapos sa klase namin hindi ako agad umuuwi sa bahay. Maglalaro muna ako bago uuwi sa bahay. Minsan sa pag-uwi ko napapagalitan ako ng aking itay kasi ang tagal ko daw umuwi sa bahay. Si inay naman nagagalit sa akin kasi pagdating ko sa bahay ang dumi-dumi daw ng damit ko. Halos napapagod siya sa paglalaba. Nilalaro naming yong mga uso na laruin. Hindi kasi kami nagpapahuli pagdating sa mga laro. Marami akong hinding malilimutan na alaala sa bata pa ako. Noong bata ako, umiyak ako dahil hindi ako binilhan ng baril. Usong-uso kasi yon noon. Naiinggit kasi ako sa iba na naglalaro ng baril. Para sa akin kasi walang pili ang kasarian pagdating sa mga larong Pinoy. Halos kalaro ko noon ay mga lalaki. Maraming laro talaga na nakakatawa tulad ng bahay-bahayan, lutu-lutuan at luksong tinik. Sa bahay-bahayan naman, naghahanap kami ng sako at kahoy upang  gawing bahay namin. Naglalaro kami sa ilalim ng bahay(yong totoo na bahay). Doon naming pinagdugtong ang mga gamit namin. Masaya maglaro kung marami kang kaibigan. Naglalaro kami ng lutu-lutuan sa tabing dagat. Ang mga kagamitan namin ay makikita lang sa tabing dagat. Ang pinggan namin ay mga shells, baso naman ang mga takip ng botelya o kaya naman mga cups, sticks naman ang aming kutsara at tinidor. Ang mga pagkain ay makikita lamang sa dagat minsan ay mga buhangin, baboy-baboy, dahon at bato. Ang pinakanakakatawang laruin ay luksong tinik. Ang luksong tinik kasi dapat tatalon ka sa pinagdugtong-dugtong kamay ng mga kalaban mo. Dapat talagang malakas kang tumalon. May mga laro din na kaya mong gumawa tulad sa larong saranggola, pick-up sticks at jackstone. Ang paggawa ng saranggola ay madali lang. ang kailangan mo lang ay mga walis tingting, tanod at gunting. Sa pamamagitan niyan makakagawa ka ng sarili mong saranggola. Pwede rin lagyan mo ng desinyo o kaya naman pangalan mo. Ang iba naman, ginagamit ang pentil pen pang desinyo. Magagamit at mapapalipad mo lang nag iyong saranggola kapag mahangin sa inyo. Halos naglalaro ng saranggola ay nakatira sa tabing dagat at sa bukid. Sa pick-up sticks, pweding gamitin ang mga barbecue sticks. Kung naglalaro ka nang pick-up sticks dapat marami ang barbecue sticks hindi dapat isa lang. Sa jackstone naman, pweding gamitin ang marble at bato. Marami na akong nalarong Pinoy, lahat ng nabanggit sa ikalawang talata ay nalaro ko na. Masaya talagang maglaro. Noon naglalaro kami ng habulan. Hindi ko makakalimutan noong naglaro kami ng habulan. Nadapa ako noon kasi natulak ako ng kalaro. Nagalit ako kaya inaway ko siya. Umiyak siya at nagalit. Pero makalipas ang ilang araw nagkabati na kami kasi humingi siya ng sorry at humingi narin ako. Aksidente lang pala yong nangyari. Nakakapagod laruin ang habulan. Halos mga kalaro ko noon ang bilis tumakbo. Meron pala akong isang karanasan sa paglalaro ng habulan. Noong naglalaro kami hinibol kami ng aso, mabilis kaming nakatakbo. Nakakatakot at nakakatawa talaga. Ang pinakagusto kong laruin ay Chinese garter at patintero. Maraming laruin ang Chinese garter. May isahan at dalawahan. Ang halos kong laruin ay isahan. Sabi ng mga kaibigan ko na ang lakas ko daw tumalon. Mas nakakaenjoy ang patintero kasi ang kailangan lang ay bilis, liksi at galing. 

Masasabi ko talaga na iba ang noon at ngayon pagdating sa laro. Noon kasi, hindi ginagamit ang pera upang makalaro lang hindi kagaya ngayon hindi ka makapaglaro kung wala kang pera. Nakakamiss laruin ang noon. Ngayon kasi marami ng naglalabasan na mga teknolohiya. Sa kompyuter ka lang maglalaro. Isang pindot mo lang nandoon na. Noon, marami akong natutunan sa paglalaro. Batang-bata pa ako ang hilig kong maglaro. Kapag nagtatanda ka kasi parang nawalan ka ng gana na maglaro sa larong Pinoy. Ang iba naman nahihiya kapag naglalaro ng larong Pinoy. Mas gusto pa nilang maglaro sa kompyuter. Marami akong natutunan sa paglalaro na magagamit ko sa pang-araw-araw na buhay. Natutunan kong magpursigi upang manalo sa buhay. Marunong na akong maghanap ng mga kaibigan. Mataas na rin ang pasensya ko pagdating sa mga bagay-bagay. Marunong na rin akong tumanggap ng pagkakamali. At higit sa lahat marunong tumanggap ng pagkatalo sa buhay. Minsan naglalaro kami ng mga kaibigan ko ng patintero at Chinese garter kapag may oras ang isa’t-isa. Kaya habang may buhay pa, dapat naman laruin natin ang ating sariling larong Pinoy. Ito lang ang masasabi ko, sa bawat laban ng ating buhay dapat marunong tayong tumanggap ng pagkatalo.

BY: TRAZY TUASTOMBAN

"Mga Kaibahan Sa Mga Laro Noon At Ngayon"

Sa gulang kong 6 years old, nakikipaglaro na ako sa kaibigan kong mga lalaki ayoko ko kasi sa mga larong pambabae kaya tibo ako noon. Nakakamiss talaga ang pagiging bata kasi wala akong pinoproblema, pag gutom ako at walang pera may mga nakakatanda naman para mag alaga at mag asikaso saken. Hindi rin pinoproblema ang pag-aaral kasi parang paglalaro lang ang pag aaral at higit sa lahat mas marami pang pgkakaabalahan kung ikaw ay bata pa.

Lagi nating sinasabi na masuwerte ang kabataan ngayon. May ine-enjoy sila na technology na wala noong kapanahunan natin. May internet na ngayon, computer, psp, facebook, cellphone, iphone, ipod, mp3, at iba pa. Lahat na yata ng bagay na makakapagpaginhawa sa buhay natin noon eh nararanasan na ng henerasyon ngayon iba-iba nga lang ang paraan. Sa panahon ngayon, ang nilalaro ng mga bata ay nasa internet games, computer games, PSP, cellphone, at marami pang ibang mga bagay na mga hi-tech. Pero bago tayo nakakapaglaro sa mga hi-tech na mga bagay na yan eh kailangan muna natin silang e’download, internet connection, accounts, pera o kaya’y kurente. Di tulad sa mga laro natin ngayon na ang higit na kailangan lang ay ang energy sa ating katawan at ang ating mga tunay na kaibigan.

Subalit kahit hindi ganun ka hi-tech sa panahon namin noon nag e-enjoy na kami sa mga simpleng larong katulad na lamang langit lupa at  Ang mechanics ng game ay napakasimple, pag nasa baba ka ay pwede kang mataya, pag nasa mataas ka na lugar hindi ka matataya. Kailangan niyo kumanta ng "langit lupa impyerno im- im- impyerno saksak puso tulo ang dugo patay buhay, ahhlis kung sinong umalis ay siya’y panget " para malaman kung sino ang taya. At sino ba ang nag-imbento ng kantang yun? Nakakaloka. Madaya ang larong Langit Lupa ngayon kasi may counting na  pag di ka umalis ng five seconds sa langit , ikaw na ang taya para lang yun sa ayaw umalis sa langit kasi ayaw nilang mataya. Kawawa naman kasi ang taya kung forever na lang sa langit ang mga kalaro niya dahil forever siyang taya.
Pangalawa ay tagu-taguan. Hindi ko talaga alam kung paano ang tamang paglaro nito. May ibat ibang version kasi. Yung una, pag ikaw ang unang nakita..ikaw ang taya, sa pangalawa naman...pag ikaw ang huling “nag-base” ikaw ang taya.. kaya nilalaro nalang namin ito depende sa kung anong gusto ng nag suggest ng larong ito.

Pangatlo ang pellet gun (pusil-pusil)  nang nauso ang pellet gun lahat ng makikita mong bata sa kalsada ay may pellet gun narin. Ang mechanics ng laro ay habulan na pwedeng nakasakay ka sa bike at naghahabulan, nagtitirahan kayo ng bala at iniikot ang buong village.. Gagamitin mo ang pellet gun para makatama ng kalaban. Masakit yun. Magkakaroon ng redness sa body mo. Haha. May mga barkada kasi kami at ako lang ata ang babae…minsan tumatagal kami ng 6 pm sa paglalaro kasi half day lang naman ang pasok at wala masyadong assignment. ‘Yan ang advantage pag bata ka.

Pang apat ay ang agawan base o mas kilala sa pangalang paun-paon nakakaloka ang larong ito ang kailangang gawin ay "agawan" nang isang grupo ang kabila ng base sa pamamagitan nang paghawak o pagtapak dito. Pero kapag nahawakan ka ng kalaban ay makukuha ang kakampi mo at dadalhin siya sa base ng mga kalaban niyo. Sa larong ito ang daming imbento. Hahahaha. May tinatawag na pagkuha ng “lakas”. Kung sino man ang huling nakahawak sa base niya ay ang siyang may lakas na manghuli ng sino man na mas naunang umalis ng base nila. At sino man ang mahuli ay dadalhin sa base para maging bihag. Para makatakas ang bihag ay kailangang "maka-base" ang kanilang kampo. Para rin itong mataya-taya, kailangang isisigaw ang "taya" kada may mataya. Habang tumatagal ang laro niyo ay pwedeng maraming mangyari sa inyo. Maaring mataya at maging bihag ang mga kakampi mo o ikaw tapos hahaba ng hahaba ang linya ng mga bihag. I-stestretch ng kakampi mo na pinakahuling bihag ang kamay niya para madali kayong i-save ng ibang kakampi mo na hindi pa taya at sa swerte niyo ay makaka –base pa kayo. Strategy at teknik-teknik lang yan.

Nilalaro ko din ang habulan, ten twenty, at marami pang iba. Ang mga larong aking nabangit ay may pagsisimula kung saan malalaman mo kung sino ang taya. Marami ang mga paraan na ito. Maaring sa pamamagitan ng  toss coin o kung sino ang huling sumali at nag volunteer na sasali siya pero ang karaniwang ginagamit sa lahat ay “Maiba Taya”.

Totoo talaga na sa simpleng laro lang noon, solb na ang mga bata at ang kanilang mga katawan noon ay masasabing matibay sa anumang mga karamdaman dahil sanay sila sa mga larong may pisikal na kasama. Ngunit ang mga bata ngayon, bihira na lang ang mga naglalaro ng mga nilaro ko noon. Mas gusto nila ngayon ang nakaupo na lang at manood ng mga cartoons at anime. Naimpluwensyahan na din sila ng mga drama at fantaserye. Madalas na din silang nasa harap ng computer, naglalaro ng mga online games tulad ng counter strike, dota, coquer at kung ano-ano pa. Busy na din sila sa kanilang mga cellphones at alam na nila ang ibig sabihin ng ”textmate”.

Kaya para sa akin, mas maganda parin ang mga laro namin noon dahil hindi lang nakakapagbigay ng aliw kundi nakakatulong pa sa kalusugan ng mga bata at wala pang gastos.

BY: STEPHANIE QUIDLAT

"Noon o Ngayon"

Bawat bata ay may nakahihiligan na mga kung anu-anung bagay.Isa na rito ang paglalaro.Ang paglalaro ay siya lamang iniisip at nagpapasaya sa mga bata .Sa bawat araw na kani-kanilang buhay ay hindi nawawala ana pakikipaglaro sa kanyang kapwa bata.Parang ito na ang nakaugalian sa araw-araw.Laro dito,laro doon,laro hanggang maghapon.Iyan ang buhay nang isang bata.

Ito ‘yung nakikita ko sa mga bata ngayon,laro lamang ang iniisipkahit nasa paaralan laro pa rin nana laro.Maihahalintulad ko din ito noong ako’y bata pa,laro lang din ang iniisip.Pero may kaibahan na sa ngayon at talagang maikukumpara mo talaga iyong kaibahan.Ang mga bata ngayon ay masyado nang nahihilig sa online gaming at parang nakakalimutan na ang mga dating laro.

Nana aking balikan ang aking pagkabata,marami din akong mga nahihiligang laro at sa tuwing naiisip ko ito sa ngayon ay parang natatawa na lang ako.Ang mga larong ito ang nagbibigay kulay at ang nagpapasaya sa aking mga alaala na aking pagkabata.Dahil din sa mga larong ito ay makikita mo talaga iyong mga kasiyahang nadarama nahindi talaga mailalarawan.Noon kapag nagsimula na kaming ay talagang nadadala kami na para bang ayaw na naming huminto sa paglalaro.Wala talaga kaming pakialam kahit di pa kami naliligo o di pa kumakain basta makapaglaro lamang.Kaya nga minsan pinagbabawalan akona lumabas nang bahay,pero tumatakas pa rin ako makapaglaro lang.Kaya pag-uwi kung hindi man pagagalitan ay talagang papaluin,pero iniisip ko ay okey lang,masaya naman ako.

Gaya nang mga bata ngayon,marami din kaming mga larong nilalaro noon,Isa na rito ang buang-buang.Ang larong ito ay kung sino ‘yung manalo sa humpyang ay siyang taya at kailangan niyang manghuli nang isa para pumalit sa kanya,kaya dapat mabilis ka talagang tumkbo para di ka mahuli.Syatong din,ang larong ito ay paramihan ng puntos at ang pinakamaliit na puntos ay siyang talo at kailangan niyang ibalik ang maliit na stick sa butas o sa finish line na sumisigaw ng syatong at kung hindi niya iyon magawa ay balik na naman siya sa pagsigaw ng syatong,nakakatawa talaga.Balay-balay,ang laro namang ito ay isang konsepto na pamilya,May nanay at tatay at anak.Natatawa nga ako nand maisip ko ang larong ito dahil sa murang edad namin ay naiisip na namin yung pag-aasawa at pagkakaroon nang anak.Parang totoo talaga dahil kunwari magkamali ang anak ay pinapalo talaga namin,para talagang totoong pamilya.Marami pa akong nahihiligang laro noon,gaya na jolen,chinese gartear,in-in,sipa-lata,bato lata,paun-paun,bungkag bahay,doktor kwak-kwak,kikimbing,pusil-pusil,pusil dunggab at tagu-taguan.Ang pinakapaborito ko ay ang paddle dahil palagi akong nananalo sa larong ito.Dapat lang na maunang umabot yung tsinelas mo sa finish line.Pag nananalo bako talagang nilalakasan ko yung pagpalo sa kalaban ko ang kanyang paa.Kaya hindi talaga ako nagpapatalo kasi napakasakit mapalo sa paa.

Nakakatawana balikan ang ating pagkabata.Ngayong ako,y nasa kolehiyo na nakikita ko na meron na talagang pinagkaiba ang laro ngayon at noon.nakikita ko din ang pinagkaiba nang mga bata ngayon sa mga bata noon.ang mga bata ngayon ay masyado nang adik sa mga computer games at parang mature nang mag-isip.

Ang mga laro ngayon sa internet ay talaga namang tinatangkilik nang mga bata at pati na rin nang matatanda.Ang mga larong ito plants versus zombies,dota,poker,kill on sight,counter strike,conquer,hungry barbie,cannon,how to dress the fairy,farmville,cityville,kissing,nail design at iba pa.Higit sa lahat ang facebookdahil kahit tatlong taong bata ay may facebook na.Mas marunong pa nga kaysa sa akin.

Isang araw nga noong nag-internet ako ay nagulat ako dahil karamihan sa naglalaro ay mga bata.Pero ang ikinagulat ko talaga ay nung tinuruan ako nang isang bata sa pagdownload na mga larawan,parang napahiya ako sa aking sarili dahil mas marunong pa ang bata kaysa sa akin.Nasabi ko talaga na ganito na ba talaga ka-in ang mga bata pagdating sa makabagong teknolohiya?.Kung noon kama ang tinuturuan,ngayon bata na ang nagtuturo.

Maikukumpara mo talaga ana laro noon at laro ngayon.Bawat mga larong ito ay may nadedevelop na mga katangian na bawat bata.Ang mga laro noon ay nagdedevelop iyong creativity,teamwork,pakikipagkapwa-tao at ang pagsunod sa batas na laro.Nakakatuwa ngang isipin na kahit bata ay marunong nang sumunod sa batas,Ngayon naman sa tingin ko,ay nadedevelop yung pagiging maparaan ng isang bata.kagaya nang plants versus zombies ay talagang nadedevelop talaga yung pagiging maparan dahil gagawin mo lahatc ng paraan para hindi matalo ng zombies.Maganda din ngayon na may kompyuter na dahil nakaktulong din ito sa pag-aaral ng mga bata.Sa pamamagitan ng mga bagong teknolohiya ay madali nang makakuha ng impormasyon.

Talagang nakakatuwang balikan ang pagkabata na isang tao at ikumpara ito sa kasalukuyan at makikita mo talaga ana kaibahan.Nakakalungkot isipin na unti-unti nang nalilimutan ang mga laro namin noon at napapalitan na ito nang mga computer games.Pero masaya pa rin ako dahil aaminin ko,nahihilig na din ako sa mga laro ngayon at ito na ang paraan na paglilibang.Laro,laro,laro,ang naglalaro sa isipan ko.

Ang laro ay parng buhay na tao,gagawin mo talaga ang lahat manalo ka lang sa laban at makamit ang iyong minimithi at maging matagumpay sa iyong pakikibaka.Ang buhay din ay parang laro may nag-iiba,napapalitan,nagbabago at nawawala.
Kung bibigyan kayo nang pagkakataon na bumalik sa inyong pagiging bata,saas ana pipiliin niyo ang noon o ngayon?

BY: HONEYFAITH ERMAC

"Ang Pagkatuto"

Simula ng pagkabata ay sinanay na ako ng aking mga magulang na huwag lumabas ng bahay. Palagi akong nakaharap sa mga laruang teddy bear at dolls na bigay sa akin ng mga magulang ko o kaya naman ay sa tita ko, kapag galing siyang amerika. Sa mga bagay na iyon, masisigurado nila ang aking kaligtasan. Naalala ko pa nga noon kung paano ako naiinggit kapag nakikita ko ang mga batang naglalaro sa daan. Sinabi pa nga nanay ko na “magagalos kasi ang mga paa at binti mo kapag hindi ka nakinig sa akin.” Palagi nalang yun nasa isipan ko. Isa akong mabuting bata kaya hindi ko isinusuway ang mga sinasabi niya, hanggang sa tumuntong ako ng elementary. Doon ko nakita ang tunay na kasiyahan sa mga batang naglalaro. Inihahatid ako ng tatay ko sa umaga patungong eskuwelahan at babalikan pagkatapos ng klase. Doon ako natutong maglaro nang langit lupa, bahay kubo, dakpanay, tumba lata at sili-sili. Nasisiyahan akong makipaglaro sa mga kaklase ko. Napabulong nga ako sa aking sarili na “Mas masarap ang makipaglaro sa totoong tao, hindi sa mga tau-tauhan lang”. 

Hindi kalaunan, nalaman ng mga magulang ko ang pakikipaglaro sa aking mga kakalase. Ito ay nang, uwi-an na pero hindi ko namalayan ang oras. Nagpatuloy ako sa paglalaro. Yun pala, hinanap na ako ng tatay ko, at nakita niya akong nakikipaglaro sa mga kaklase ko ng langit lupa. Mabait talaga tatay ko, hindi man lang niya ako ipinahiya sa harap ng mga kaklase ko. Tinawag lang niya ako upang kami’y magsi uwi-an na. Pagkatapos ay tahimik lang ang tatay ko hanggang sa pag uwi. Doon ako pinagalitan ng nanay ko. Hindi nagtagal ay pinayagan na akong makipaglaro sa kanila, nang kausapin ng tatay ang nanay, sabi niya “dapat rin namang matuto si  yen ng makipag socialize.” Sa mga panahon na iyon, hindi ko pa naiintindihan ang salitang iyon pero alam ko na pinayagan na ako sa gusto ko. 

Ilang taon ang nakalipas ay nagpasya ang mga magulang ko na mag bakasyon sa Camiguin, kung saan nakatira ang aking lola at lolo. Doon ko nakilala ang aking mga pinsan, na mahilig sa paglalaro, hindi ng mga teddy bear at dolls kundi ang makipaglaro sa mga totoong tao. Nakahiligan ko doon ang paglalaro ng patintero kung saan dalawang grupo ang kinakailangan. Kung ang unang grupo ang taya ay sila ang magbabantay sa sa daan kung saan dapat malagpasan ng ikalawang grupo ang dulo ng kanilang teritoryo at pabalik. Kung mahawakan ng unang grupo ang isa sa mga miyembro ng ikalawang grupo ay game over na at sila naman ang taya. Napakasarap makipaglaro sa aking mga pinsan, kahit nga ako at ng ate ko ang palaging na hahawakan. Palagi kami ng ate ko ang dahilan ng pagkatalo nang gaming grupo. 

Sa lahat ng mga larong aking natutunan, mas masaya ang larong patintero. Kahit na minsan ay napala ko ang mga galos sa aking mga paa at binti, Masaya pa rin ako at patuloy akong maglalaro nito. Lagi lang nating tadaan na hindi nakakabuti ang hindi pakikipag socialize sa ibang tao. Matuto rin tayong makipagkapwa tao. Huwag magluklok sa mga laruan dahil mas Masaya ang makipaglaro sa mga totoong tao.


BY: LIZZIE DIMASUHID

Ang Bagong Kinalilibangang Laro ng mga Kabataang Pinoy

Bawat isa sa atin ay dumaan sa pagkabata. Batang musmus at walang ibang iniisip kundi ang maglaro. Naalala niyo pa ba ang larong una niyong nilaro? Ako, sariwang-sariwa pa sa aking isipan ang larong iyon. Alam niyo ba kung ano iyon? Ito ay ang larong habul-habulan.
Naaalala ko pa nga ng inimbitahan ako ng aking mga pinsan na maglaro ng habulan. Tuwang-tuwa ko talaga ng mga panahong iyon. Tawanan, tapikan, at asaran pagkatapos ng bawat laro ay ang mga bagay na kumukompleto sa panahon ng aking pagkabata. Iyon na siguro ang pinakamasayang araw sa aking buhay.


Nang ako’y tumuntong ng elementary, hindi lang bagong kalaro ang aking natagpuan kundi pati narin mga bagong laro na mas masaya at mas nakakalibang. Ang mga larong iyon ay ang larong Chinese garter, shomoy-shomoy, tumba-lata, luksong baka, slipper game, maro-maro, slipper mannequin, tirabol-tirabol, paglalaro ng Barbie doll at marami pang iba. Hindi ko nga lubos maisip na pati larong panlalaki ay nalaro ko na. Sa lahat ng mga laro na aking naranasan, ngayon ko lang napagtanto na hindi lang pala ako nalilibang kundi hinuhubog din nito ang aking magagandang ugali bilang isang tao. Tulad na lamang ng larong maro-maro. Ang larong ito ay binubuo ng ng dalawang grupo. May isang grupo na magpapaing ng kakampi at pag kumagat ang kabilang grupo, hahabulin na naman iyon ng grupong nagpaing at vice versa. Kung may isang mahuli ay magiging bihag iyon ng kung sino mang grupo ang nakahuli sa taong iyon. Sa pamamagitan ng larong ito, nadedevelop ang teamwork, strategy, bilis ng pagtakbo at iba pa. Hindi ka lang nalilibang kundi natututo ka pa.


Subalit habang lumilipas ang panahon ay parang nawawala na ang mga larong iyon. At kung may natira man ay kakaunti na lamang ang naglalaro ng mga iyon. Ano na nga ba ang mga nahihiligang laruin ng mga kabataang pinoy?


Minsan, napadaan ako sa isang internet cafĂ©. Ang ingay-ingay. Hiyawan, sigawan, at kung ano-ano pang ingay ang ginagawa ng mga kabataang Pilipino doon. Maraming salita ang lumalabas sa kanilang mga bibig subalit ang mga katagang ito ang hindi ko makakalimutan, “Bugoka nimu brad uii!”, “Sh*t! malasa uii!” at ito pa “Bangaa nimu brad uii! Aha man ka giliwat?”. Nang marinig ko ang mga katagang iyon, agad pumasok sa aking isipan ang larong dota. Nalaman ko rin na hindi lang pala mga kalalakihan ang naglalaro ng larong iyon kundi pati mga kababaihan ay naimpluwensyahan na. Nasaan na ang mga dalagang pilipina na ipinagmamalaki natin nuon?


Ako’y isang tao na hindi marunong maglaro ng larong dota subalit ako’y may maliit na kaalaman sa larong iyon na aking nakuha sa mga lalaking kaibigan ko at sa lalaki kong kapatid. Ayon sa kanila, may karakter ka daw na pipiliin upang maging ikaw sa larong iyon. Gayundin ang mga armas na maaari mong gamitin habang ikaw ay naglalaban. Ang larong ito ay maaaring laruin na indibidwal o pangkatan. Kadalasan din daw ay nagpupustahan ng pera ang magkaaway na grupo. Ang malas mo kung ikaw ay kabilang sa grupong natalo. Ibang-iba na talaga ang mga laro ng mga kabataan ngayon, ano? Ano sa tingin mo, mabuti kaya ang pagbabagong ito?


Dahil sa pagbabagong ito, maraming di kanais-nais na ugali ang nakuha ng mga kabataang Pilipino. Tulad na lamang ng pagmumura. Kapag kasi natatalo sila pag naglalaro ng dota ay nagmumura sila upang mailabas daw ang kanilang nararamdaman. Kuang kaya, hindi na ako mabibigla kung gagawin na nila itong ekspresyon. Nakakaapekto din ang pagbabagong ito sa pag-aaral ng mga kabataan. Nawawalan sila ng pukos sa kanilang pag-aaral. Kung minsan nga ay nagkacutting class sila, makapaglaro lang ng larong ito. Isa din sa hindi magandang epekto ay matututo na silang magsinungaling sa kanilang magulang. Kasi pagtinatanong sila kung bakit ang tagal nila umuwi ay hindi nila sinasabi ang tutuo kasi alam nila na pagagalitan sila ng kanilang mga magulang. At higit sa lahat ay natuttuto rin silang magsugal. Sa araw na matututo ka ng magsugal ay ang hirap ng tanggalin iyan at magiging bisyo mo na iyan. At pag nagging bisyo na iyan, gagawa ka talaga ng paraan upang masusustentuhan ang bisyong ito at diyan na sila makakaisip ng mga hindi mabuting gawain tulad na lamang ng pagnanakaw. Marami talaga ang hindi mabuting naidudulot ng pagbababong ito.
Subalit kung may hindi mabuting naidudulot ang pagbabagong iyon ay may kaakibat din naman itong mabuti. Isa na dito ang paghahasa ng kanilang kritikal, analytical at abstract na pag-iisip. Kung mahahasa ng mabuti ang aspetong ito, may malaking porsyento na magiging matalino ang isang indibidwal. Mababawasan ang kanilang pagkakamali sa pagdedesisyon ng isang bagay at maiaaplay nila ang mga natututohan sa pang-araw-araw nila na gawain.


Alam naman nating lahat na kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya ay may kaakibat itong mabuti at masamang epekto. Subalit kung ang isang tao ay talagang marunong magdala ng isang sitwasyon, ang pagbabagong ito ay may mabuting epekkto sa kanya. Sa kabilng banda, pag ang isang tao ay hindi handa sa mga pagbabagong mangyayari, ang pagbabagong ito ay may masamang epekto sa kanya. Sa bandang huli, nasa tao parin ang desisyon kung papaano niya hahawakan ang isang sitwasyon. It’s either maging sapat ka at gamitin ito sa kabutihan o magpapadala ka at gamitin ito sa kasamaan? Nasa sa iyo ang pagpili.

BY: VANISSA NOBLEZADA